1. Ibigay lamang po sa amin ang mga sumusunod na Impormasyon;
A. Y2,040 (Y1,690 partial payment + Y350 Sagawa collection Fee) per box Post office furikomi yung natirang balanse bago or pagkatapos ma pick up.
B. COD (Cash on Delivery)Babayaran ang buong Halaga pag deliver ng request box Halimbawa Manila Destination Y10,300+Y440 Sagawa Collection Fee
C. Y2,040 (Y1,690 partial payment + Y350 Sagawa Collection Fee) per box, convinient store payment yung natirang balance bago or pagkatapos ma pick up.Please note, may kaukulang service fee na Y235 ang mga convinient store.Kasama po ng packing list ang convinient payment form na naka dikit sa box.Kung na misplaced po natin ang convinient payment form, letter a and d na lang po ang pwedeng paraan ng ating pagbabayad.
D. Y2,040 (Y1,690 partial payment + 350 Sagawa collection fee) per box, Genkin Kakitome yung natirang balance bago o pagkatapos ma pick up. May kaukulang service fee na sinisingil ang Post Office.
2. Hanggang 3:00pm lamang po ang cut off time ng request ng box kung nais po itong madeliver kinabukasan.Para po sa malalayobg prefecture, hindi po pwede ang the next day delivery.
1. Sulatan ang kalakip na packing list. Siguraduhin po natin na tama ang lahat ng impormasyon ng sender (nagpadala) at consignee (tatanggap)katulad ng Pangalan, Address at contact number.
2. Ideklara ng tama ang laman ng box, lagyan ng halaga ang bawat items kahit ito ay bago or luma.
3. Ibalik ang isang piraso ng packing list sa box at siguraduhin po nating hindi malalaglag ito. Ang pagkawala ng packing list ay magiging dahilan na hindi ito masama sa papalis na shipment.
4. Iwasan po natin na maglagay ng mga ipinagbabawal na bagay or Banned Items.
5. Itawag or mag message lang po sa amin ilang araw bago ang nais na araw ng pick up para sa schedule, cut off time bago mag alas 5:00 ng hapon.Isulat po ang tracking number sa packing list at sa ibabaw ng box , na aming ibibigay matapos naming magawan ng pick up schedule.
6. Ipaalam po sa amin kung kayo po ay handang maghintay sa araw ng pick up o iiwan po sa labas ng pinto ang inyong bagahe. Please note po na walang specific time po ang ating no weight limit pick up, kaya para po sa mga nakatira sa may auto lock mansion, kailangan po nating maghintay hanggang ma pick up po ang ating bagahe.Mula 8:00am to 8:00pm po sila nagsisimulang mag pick up, hindi po natin alam kung sa umaga, tanghali, hapon or sa gabi sila darating. May mga pagkakataon po na lumalagpas sila sa 8:00pm kung masyadong marami ang schedule sa araw na yon lalo na sa panahon ng peak season. Please Note po na may mga driver po na nagbibigay ng penalty na 2,000yen kung wala po silang nakuhang box sa araw ng schedule ng pick up.
7. Para po sa mga area na walang no weight limit pick up, Sagawa pick up po tayo, 50kg made per box maging ito ay Jumbo or Half box.Pwede po tayong mamili ng oras sa Sagawa pick up: 12-2pm, 2-4pm, 4-6pm, 6-8pm.Please note po na ito ay estimated time frame ng sagawa, may mga pagkakataon po na nale late sila ng pick up dahil po sa mga hindi inaasahang pangyayari along the way.
8. Para po sa cancellation or pagbabago ng araw ng pick up, ipagbigay alam po sa amin bago mag alas 5:00pm isang araw bago ang schedule ng pick-up.
9. Wala pong Limitasyon sa BIGAT ng bagahe sa mga area na may NO WEIGHT LIMIT PICK UP, subalit bigyan po natin ng konsiderasyon na mag isa lang po ang Driver na pumipick up ng bagahe.
10. Bawal po ang anumang UMBOK sa bagahe dahil magiging sanhi po ito ng Pagputok ng kahon at pagkakaroon ng butas.
11. Siguraduhin pong selyado ang takip ng mga LIQUID na ipadadala upang maiwasang matapon sa loob ng box na magiging sanhi ng pagkasira at pagkabutas ng kahon.
1. COD (Cash on Delivery) Babayaran ang buong halaga sa araw ng delivery nung nag order ng empty box.May karagdagang Y350(JpY10,000 below )and Y440 (JpY10,000 above) na charge ang Sagawa sa pagtanggap ng inyong payment. Halimbawa Manila Destination para sa Jumbo box ; Y10,300 + Y440=Y10,740 kabuuang babayaran sa Sagawa.Wala nang dapat pang bayaran matapos ma pick up ang inyong box.Itabi po ang resibo na ibibigay ng Sagawa.
2. Convinient store Payment
May kasamang Convinient payment slip ang inorder na
box na nakasaad ang kaukulang halaga na dapat bayaran.
Bago or pagkatapos ma pick up ang box, dalhin lamang po
sa malapit na convinient store ang payment slip, hintayin
po na ibigay ang resibo matapos makapagbayad,
picturan po ito at ipadala sa amin.Please note, may karagdagang
JpY235 na karagdagan na sinisingil ang mga convinient store.
Attached sample Convinient Payment slip.
3. Genkin Kakitome sa Post Office (Para sa mga walang Post Office Acct.)
Pumunta lamang po sa kahit saang Post Office at sabihin
"Genkin Kakitome onegaishimasu"! Bibigyan po kayo nang
Brown envelop kung saan ilalagay ang kaukulang halaga .
Isulat po sa unahan ang Pangalan, address at Tel. No.
nang receiver nasa ibaba at ang pangalan, address at tel. no. ng nagpadala.
May ibibigay na resibo ang post office, mangyari lamang po na ito ay itabi.
May kaukulang halaga na dapat bayaran sa post office bilang tesurio.
Picturan po ang resibo at ipadala po sa amin para sa mas mabilis
na beripikasyon.
4. Post Office Furikomi Pwede po kayong mag furikomi gamit ang inyong Post Office Account sa Post Office Account number na nasa ibaba.Maaari din pong mag Furikomi kahit walang Post Office Account , ito ay sa over the counter o sa teller subalit ito ay may kalakip ding service charge.Picturan ang resibo at ipadala sa amin. Sa mga walang Post Office Account, mas recommended po ang Genkin Kakitome.
Post Office Account:
Account Number: 10370-90047721
Account Name: HARA EMERLINDA DE LEON
Shiten Bango: ZEROSANHACHI (038)
お名前 :ハラ エメリンダ デレオン
店名: 〇三八 (ゼロサンハチ)
店番: 038
普通預金 [口座番号] 9004772
(Chiba , Ibaraki, Kanagawa, Saitama, Tokyo, Tochigi, Gunma, Aichi Ken, Shizuoka Ken, Gifu Ken, Mie Ken)
Note: Nasa Ibaba po ang schedule ng no weight limit pick up sa mga Prefecture na nabanggit sa itaas.Paalala lang po,hindi po tayo pwedeng mamili ng oras kung no weight limit pick up po tayo dahil private company ang kumukuha ng mga bagahe natin.Nagpi pick up sila anumang oras mula 8am hanggang 8pm.Kung kinakailangan nating umalis at wala pa ang magpi pick up, pwede po nating iwan sa labas ng pinto ang ating mga bagahe. May mga driver po na nagbibigay ng penalty kung sa araw ng pick up schedule wala po silang napick up na box dahil walang tao sa bahay. Kung sa tingin po natin ay sobrang bigat ang ating bagahe paki tulungan po ang ating Driver nang hindi po sila umayaw sa pag pick-up ng ating mabibigat na bagahe.Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.
Note: Sa mga lugar na hindi nabanggit sa itaas
ay Sagawa Pick up po tayo, may limit na hanggang 50 kilo maging
jumbo man ito o half box , subalit pwede tayong
mamili ng oras ng pick up sa sagawa, ang oras na pwede ay mula 12-2pm,2-4pm, 4-6pm, 6-8pm
Please be careful po tayo na hindi lumagpas sa
50kilo ang ating bagahe dahil ibinabalik po ng sagawa kapag lumagpas
ng 50kilo at maaari po tayong pagbayarin ng delivery fee pabalik.
1. Ang mga nasa listahan sa ibaba ay mga ipinagbabawal na ilagay sa kahon. Magiging sanhi po nang pagka DELAY ng inyong bagahe kung mapapatunayan na ito ay naglalaman ng mga bawal na nasa listahan sa ibaba.Ipa approve po muna sa amin ang ibang items na sa tingin nyo ay alanganin ilagay sa box.
2. Ang Bayad sa Delivery sa pagbabalik po ng bawal na bagay o ng kabuuang kahon ay hindi po sagutin ng aming kumpanya.Y8,000 yen/box po ang kaukulang bayad sa pagbabalik ng inyong kahon.
LISTAHAN NG BANNED ITEMS:
Estimated Delivery Time Frame (Mula pag alis ng Barko sa Japan)
Note: Ito po ay estimated lamang.Maaari pong dumating ang mga bagahe natin ng mas maaga, sakto o kaya'y may pagkaantala sa dahilang hindi po natin kontrolado ang mga bagay na pwedeng mangyari mula sa port of origin, pagkaantala ng alis ng barko dahil sa technicalities,pagkaantala sa paglalayag ng ating cargo vessel dahil sa natural calamities katulad ng bagyo at sama ng panahon at ang Port Congestion lalo na sa panahon ng peak season.
1. Ang lahat po ng ipadadala at ilalagay sa E_CARGO BOX ay para sa Personal na gamit lamang
2. Bawal po ang mga bagay na pangbenta at mga bagay na nakalista sa BANNED ITEMS
3. Kung ano po ang pangalan na nakasulat na sender sa Packing list ay iyon din ang dapat isulat sa kahon at gamitin sa pagbabayad sa POST OFFICE upang maiwasan ang pagkalito sa pagbeberipika ng inyong bagahe at maiwasan ang pagkaantala ng delivery. Sa mga walang sariling POST OFFICE ACCOUNT at nakisuyo lang , ipagbigay alam lang po agad sa amin.
4. Ang paglalagay ng mga babasagin na bagay ay pinahihintulutan po natin subalit wala po kaming pananagutan kung ito ay magkaroon ng damage. Balutin po natin ng maayos upang maiwasan ang anumang pagkasira nito.
5. Ang lahat po ng bagahe na dumating sa Manila ng wala pang kaukulang bayad ay mananatili sa ating warehouse. Libre po ang 1 buwan na pananatili ng inyong bagahe sa ating warehouse simula sa pagdating sa pilipinas . Pagkalipas ng isang buwan, may kaukulang bayad na 1,500 yen kada buwan na ilalagi pa ng inyong bagahe sa ating warehouse (Warehouse Fee).
6. Ang lahat ng bagahe na walang bayad sa loob ng tatlong (3 months)buwan ay otomatikong mapo FORFEIT kahit walang abiso mula sa aming kumpanya.
7. Tungkulin po ng sender na ipadala sa amin ang kopya ng resibo ng pagbabayad upang mapabilis po ang beripikasyon ng hindi po makaantala sa delivery ng bagahe.